00:00Kamusta, ako si Humi.
00:02Sa video na ito, pag-uusapan natin ang pamilya, kabataan,
00:05at ang early education ng pambansang bayani.
00:08Susuriin natin ang iba't ibang tao at pangyayari
00:11na nakaapekto at humubog sa buhay ng batang Rizal.
00:19Kapag sinabi nating batang Rizal, anong unang pumapasok sa isipan mo?
00:24If I would take a guess, ang iniisip mo siguro
00:26ay noong bata si Rizal ay nakitaan na siya ng kahusayan sa pagsulat.
00:30At ang patunay diyan ay ang tulang ito:
00:32\"Sa Aking Mga Kabata.\"
00:34Na kahit 8 years old pa lang siya,
00:35he already wrote a masterpiece that expresses the love of one’s native language
00:41and the importance of freedom.
00:43Kung medyo hindi ka familiar sa title,
00:45siguro mas familiar ka dun sa highly quoted line ng tula:
00:49\"Ang hindi magmahal sa kanyang salita,
00:51mahigit sa hayop at malansang isda.\"
00:54O kung hindi 'yung eksaktong line na 'yan,
00:56malamang ay na-encounter mo na yung different versions ng tula
00:59na may ibang variations.
01:01Pero alam mo ba na hindi naman ang batang Rizal ang nagsulat ng tulang ito?
01:05Para malinawan tayo, pakinggan natin ang historian na si Ambeth Ocampo
01:09sa isang episode ng \"The Howie Severino Podcast\".
01:48Nagdududa rin ang ibang mga historians at scholars kung ang batang Rizal
01:52ba ang nagsulat ng tula.
01:53Ayon sa kanila, ang eight-year-old na bata ay natututo pa lang magbasa,
01:58kaya paano nangyari na sa edad na 8 ay nakapagsulat na siya ng tulang
02:01sobrang komplikado na may sukat at tugma?
02:05ang letrang \"k\" ay hindi naman laganap na ginagamit noong 1869.
02:10In Rizal’s childhood, they spelled words with a “c” rather than “k\".
02:15At ang tula ay punong puno ng \"k\".
02:18Ang dalawa nga dito, makikita natin sa kalayaan.
02:21At ang word na \"kalayaan\" was not widely used in the 19th century.
02:26As a matter of fact, salamat sa mga sulat,
02:28malalaman natin na na-encounter lang ni Rizal
02:31ang word na \"kalayaan\" nung 21 years old na siya.
02:35At isa pa, <i><font color=\"#e3ffae\">(julet-julet)</font></i>.
02:36Tingin mo ba ay aware na ang batang Rizal sa colonial condition ng Pilipinas
02:40sa ganitong musmos na edad para humiling ng kalayaan?
02:44Ganun ba talaga siya katalino?
02:46o ino-overestimate lang natin ang kanyang mga kakayahan?
02:50Hindi lang 'yan ang kasinungalingan tungkol sa batang Rizal.
02:53Baka narinig mo na rin ang kuwento
02:55na ang batang Rizal daw ang nag-imbento ng champurado.
02:58Ganito umuusad ang kuwento.
03:00Ang paboritong almusal ni Rizal ay tuyo at isang tasang kanin,
03:04na may kasamang mainit na tsokolate.
03:07Isang araw, habang nag-aalmusal ang batang Rizal,
03:09aksidente nitong natabig ang mainit na tsokolate
03:12sa kaniyang plato na may kanin at tuyo.
03:15Nakita ito ng kaniyang mga ate na tinalakan si Rizal.
03:18\"Ano ba 'yan!? Hindi ka man lang nag-iingat!\"
03:20Ang sagot naman ng batang Rizal: \"Shunga, sinadya ko 'yan!\"
03:23Hindi mo ba alam na kapag pinagsama ang kanin at tsokolate,
03:27makakabuo ito ng isang champurado.
03:29Ang totoo lang sa storyang ito ay isa sa mga paboritong breakfast food ni Rizal
03:34Pero walang primary source na sumusuportang siya ang nag-imbento
03:39Isa pang kwento na puno ng kasinungalingan, ang storya ng \"Tsinelas.\"
03:43Ganito umuusad ang kuwento.
03:45Naglalaro ang batang Rizal sa may tabing-ilog
03:47ng biglang nahulog ang isa niyang tsinelas at tinangay ito ng alon.
03:51Dahil hindi niya na maabot ang tsinelas na inalon,
03:53at useless na rin yung isa niya pang suot,
03:56napagdesisyunan niyang ibato yung isa niya pang tsinelas.
04:00para kung sakaling may makadampot man, at least ang makukuha nila
04:04ay magkapares na pwedeng gamitin.
04:06Ang selfless ng kwento,
04:08pinapakita ang kaniyang kakaibang angking talino at malawak na pananaw,
04:13pero hindi rin siya totoo.
04:15Ang mga kuwento na ito ay dine-depict ang batang Rizal na parang isang superhero.
04:20Na sobra-sobra ang katalinuhan, kabaitan, at pagmamahal sa bayan.
04:24Kaso ang mga kwento na ito ay inimbento lang,
04:27at hindi sumasalamin sa tunay na karanasan ni Rizal sa kaniyang kabataan.
04:32Nakakalimutan tuloy natin na ang batang Rizal ay isa pa ring bata.
04:36Hindi siya iba sa mga naglalaro, nakikipag-away, nagkakaproblema, umiiyak,
04:41nasasaktan, napapagod, natatakot, at umiibig.
04:45We have lost sight of the real Rizal and his formative years.
04:49Therefore, we need to start correcting these inaccuracies
04:52and view Rizal as a normal child, not as a superhero.
04:59Kung pag-uusapan natin ang buhay ni Jose Rizal,
05:01o sa kanyang buong pangalan na
05:03\"Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda\",
05:06kailangan natin magsimula sa pinakasimula.
05:09Mula sa kaniyang kapanganakan.
05:11Noong June 19, 1861, pinanganak si Jose sa isang lakeshore town sa Calamba, Laguna.
05:16The birth occured between 11 pm and 12 am,
05:19at ilang araw bago mag full moon.
05:22Ang birthing process na nangyari ay hindi naging madali.
05:25Muntik pang mamatay ang nanay ni Jose dahil malaki ang ulo ng bayani.
05:30Pero buti na lang, naging successful ang labor.
05:33Si Jose at ang kaniyang ina ay parehas na naka-survive.
05:37Three days later, binaptize si Jose Protacio sa isang Catholic Church
05:41ng parish priest o kura paroko na si Father Rufino Collantes.
05:45Ang sanggol ay pinangalanang Jose Protacio pagkatapos ng dalawang santo.
05:50Kaya Jose ang pinangalan sa kanya
05:51ay dahil ang nanay niya ay deboto ng Christian Saint
05:54na si San Jose o Saint Joseph.
05:56Ang Protacio naman ay nanggaling kay St. Gervacio Protacio,
05:59na ang feast ay cine-celebrate tuwing June 19th,
06:02kung kailan pinanganak si Rizal.
06:04May mga references na ini-ispell ang pangalan na Protasio with an \"s\",
06:08pero dito, for consistency, gagamitin natin ang Protacio na may \"c\".
06:13Habang nangyayari ang baptism ceremony, napansin ng kura paroko ang malaking ulo
06:18Namangha siya dito at inadvisan niya ang mga family members ni Jose
06:22na ingatan ang bata.
06:23Sa tingin siguro ng kura paroko ay dahil malaki ang ulo ng bata
06:27ay malaki rin ang utak nito.
06:28Dahil sa kalakihang yun, he believed na lalaking matalino ang bata
06:32and someday he would become a great man.
06:36Pumunta tayo sa pangalan ni Jose Rizal kasi baka napansin mo na parang
06:39ang haba naman niya masyado.
06:41ike, may galit ba ang mga magulang niya sa kanya?
06:44Pero kung napansin mo, tama ka, mahaba talaga siya.
06:48At ang dahilan dito ay kombinasyon kasi ito
06:50ng iba't ibang apilyido ng pamilya niya throughout the years.
06:54Subukan nating i-breakdown ang kaniyang mahabang pangalan.
06:57Ang Jose Protacio, as I said, ay galing sa dalawang santo:
07:00kay San Jose at kay Gervacio Protacio.
07:03Ang Mercado naman ay galing sa kanyang Chinese ancestor na si Domingo Lam-co.
07:07Ito ang context niyan.
07:09Si Lam-co ay isang tsino, at noong nabubuhay pa siya
07:12ay grabe ang rasismo sa bansang Pilipinas.
07:15Hostile ang mga Spanish authorities sa kanilang lahi.
07:18Para maiwasan ang anti-Chinese hostility ng mga Kastila sa kaniya
07:22at sa kaniyang pamilya,
07:23binago ni Lam-co ang kanilang apilyido para maging Spanish.
07:27At napili niya ang apilyidong Mercado,
07:30na ang ibig sabihin ay \"market\",
07:31which is ideal kasi mga merchants ang lahi niya.
07:35Ang Rizal naman ay inadapt ng mga Mercado noong *1840's dahil sa Claveria decree.
07:42Noong 1840s, ang Governor-General na si Narciso Claveria
07:45ay nag-issue na ang bawat Pilipino ay kailangang magkaroon ng apilyido,
07:50isang step para ma-improve ang census data at tax collection.
07:54Ang bawat province noon ay binigyan ng listahan
07:56kung saan mamimili ang mga pamilya ng kanilang apilyido.
08:00Ang mga apilyidong iyon ay galing sa libro na'to:
08:02sa \"Catalogo alfabetico de apellidos\"
08:05o \"Alphabetical Catalogue of Surnames sa English.\"
08:08Ang mga Mercados ng Calamba ay pinili ang unlisted name na Rizal.
08:13Ang original choice talaga nila ay Ricial,
08:15which means \"the green of young growth\" or \"green fields\",
08:18para konektado sa kanilang kabuhayan.
08:20Kaso na-deny siya for some reason.
08:23Pero kahit pinili nila ang Rizal,
08:25patuloy pa rin nilang ginamit ang surname na Mercado.
08:28Dahil ang surname na Rizal ay nag-cause ng confusion sa commercial affairs ng pamilya.
08:33Kilala kasi sila bilang mga Mercado ng Calamba.
08:36Kung gagamitin nila ang Rizal, e 'di hindi na sila mare-recognize ng mga tao.
08:41So ang ginawa na lang ng tatay ni Rizal ay cinombine ang dalawang surname
08:44para maging Rizal Mercado.
08:46Pero mas madalas ang ginagamit niya lang ay yung apilyidong Mercado,
08:49dahil nga mas kilala sila dun.
08:52Ang y sa mga Spanish names indicates the conjunction \"and\",
08:56at nandito siya para i-seperate ang patriarch surname sa matriarch surname.
09:00At oo, during this time
09:01nauuna talaga ang father's family name kesa sa mother's family name.
09:06Ang Alonso naman ang matandang apilyido ng pamilya ng kanyang Ina.
09:10Samantalang ang Realonda ay ang inadapt ng mga Alonso dahil sa Claveria decree.
09:15At kagaya ng mga Mercado,
09:16kahit inadapt na nila ang Realonda, patuloy pa rin nilang ginagamit ang Alonso.
09:21This seemed to be a common practice, so that each family ended up
09:26each of the old and new family names of both the mother and the father.
09:31Kung medyo nahahabaan ka, or medyo naguguluhan
09:34sa apat na apilyido ni Jose Rizal,
09:36pwede naman natin siyang tawagin sa isa niyang nickname:
09:40Bakit \"Pepe\", hindi ba medyo malayo?
09:42Ayon sa libro na \"In Excelsis\" ni Felice Prudente Santa Maria,
09:47ang mga letters na \"P.P.\" daw ay laging nilalagay
09:49after ng pangalan ni Saint San Jose.
09:52Sa Latin, ang P.P. stands for pater putativus,
09:55which means putitative father.
09:57Kasi nga 'di ba commonly accepted na ang legal father ni Jesus o Jesus Christ
10:01ay itong si San Jose o si St. Joseph.
10:04Sa spanish, ang letter na \"P\" ay binibigkas ng \"Peh.\"
10:08na nag-lead para tawagin si Saint Joseph na Pepe.
10:11At dahil nga pingalan si Rizal sa santo, tinawag na rin siya ng mga tao na Pepe.
10:18Si Jose Rizal o si Pepe ang pang-pitong anak ng pamilya Mercado,
10:22isang mayamang pamilya na nakatira sa isang Dominican-owned tenant land
10:27Ang kaniyang tatay ay si Francisco
10:30at ang kaniyang nanay naman ay si Teodora.
10:32Ang mag-asawa ay nakabuo ng labing-isang anak:
10:36ang panganay na si Saturnina,
10:38ang panganay na lalaki na si Paciano,
10:42si Lucia, si Maria, si Jose, si Concepcion
10:46si Josefa, si Trinidad,
10:48at ang bunso na si Soledad.
10:50Magfo-focus lang tayo sa mga magulang ni Pepe,
10:53pero kung interesado kang malaman ang details ng magkakapatid,
10:56nilagay ko pa rin sila sa video.
10:58Pwede mong i-pause or i-screenshot kung gusto mo.
11:00Kung hindi ka naman interasado, skip mo na lang.
11:56Francisco Mercado Rizal was more than just the father of Jose Rizal;
12:00he was a man of admirable qualities.
12:03Pinanganak itong si Francisco Mercado Rizal
12:05noong May 11, 1818 sa Binan Laguna
12:08at nakapag-aral ng Latin at Philosophy sa College of San Jose sa Maynila.
12:13Maagang naulila ang batang Francisco sa kaniyang ama.
12:16Nung namatay na ang parehas niyang magulang,
12:19lumipat siya sa Calamba para magsaka sa isang asyenda
12:22na pagmamay-ari ng isang Dominican.
12:24Pero linawin ko lang na hindi naman naghihirap itong si Francisco.
12:29ang tatay ni Francisco na si Juan Mercado,
12:31ay naging gobernadorcillo ng Binan ng tatlong beses.
12:34 Noong 1808, 1813, at 1823.
12:38At ang lolo niya naman na Francisco Mercado rin ang pangalan,
12:42ay naging gobernadorcillo din noong 1783,
12:45and incidentally owned the largest herd of carabaos sa buong Binan.
12:50Clearly, may nainherit naman siguro itong si Francisco noong namatay na
12:53ang kanyang mga magulang.
12:55Pero dahil sa kaniyang pagsusumikap ay mas napalago niya pa ang kanilang pera
12:59by engaging in farming and trading.
13:02Sa Calamba, si Francisco ay well-respected.
13:05In fact, ang tawag pa nga sa kanya ng mga tao doon ay Don Francisco o Don Kiko.
13:10Ang \"Don\" is an honorific prefix used to show respect and courtesy.
13:14Ang characteristics nitong si Don Kiko ay bihirang magsalita pero maraming nagagawa,
13:19malakas ang pangangatawan, at maayos ang pag-iisip.
13:23Dahil sa mga katangiang ito,
13:24ang mga tao sa Calamba ay ginawa siyang \"cabeza de barangay\" o ang head of town.
13:29Itong si Don Kiko ay hindi lang mahal ng ibang mga tao sa Calamba,
13:33mahal din siya ng kaniyang pamilya.
13:36Sa pag-aaral nga natin kay Pepe, makikita natin kung gaano kalaki
13:40ang admiration niya sa kanyang ama.
13:43Sa kaniyang student memoirs, tinawag ni Pepe si Don Kiko
13:46 as \"a model of fathers\" o \"huwarang ama\"
13:49May mga obrang ginawa si Pepe para sa kaniyang ama na mapapakita
13:53itong admiration na sinasabi ko.
13:55Noong 1881 nga, ginawan niya ang kaniyang ama ng clay bust,
13:59at six years later, nag-spend pa siya ng time para gawan
14:02si Don Kiko ng life-size sculpture.
14:05Ayon din sa ibang mga sources,
14:06ipinangalan ni Pepe ang kaniyang maagang namatay na anak
14:09kay Josephine Bracken na Francisco.
14:11Medyo hindi ako sure sa part na ito kasi may mga source na nagsasabing Peter daw
14:15yung pinangalan nila sa kanilang anak.
14:17Pero kung hindi man yun totoo,
14:18totoong totoo pa rin ang pagmamahal ni Pepe sa kaniyang ama.
14:21Bago siya barilin, sinulatan niya ang kaniyang kapatid na si Paciano.
14:38Sinulatan niya rin si Don Kiko.
14:40Ang sabi niya sa kanyang ama:
15:15Makikita natin na maganda ang relasyon ni Pepe sa kanyang ama,
15:18at ganun din sa kaniyang ina.
15:20Baka nga mas grabe pa.
15:22Sabi kasi sa sinulat na memoir ni Jose kung saan dinescribe niya ang kaniyang ina:
15:33Si Teodora Alonso Realonda y Quintos, ang ina ng bayani,
15:37ay isinilang noong November 8, 1826 sa Maynila.
15:41Bago pa pakasalan ni Donya Teodora ang kaniyang asawa na si Don Kiko,
15:45she's already living a comfortable life.
15:49Ang pamilya kasi ni Donya Teodora ay kabilang sa mahabang linya
15:53ng mga principalia class.
15:55Kapag sinabi nating principalia class,
15:56they were the ruling and educated upper class in the towns
16:00during the Spanish occupation.
16:02Ang mga original na principalia ay ang mga dating datu.
16:05Noong 16th century kasi, ang mga datu na ito ay nakipagtulungan sa mga Espanyol
16:10na sakupin ang kanilang mga nasasakupan.
16:14gagantimpalaan ang mga datu ng mga posisyon sa pamahalaan,
16:18tulad ng pagiging gobernadorcillo at cabezas de barangay.
16:21Ang katayuan na principalia ay namamana, at kabilang dito ang posisyon sa gobyerno.
16:27Kaya kahit 19th century na,
16:29ang pamilya pa rin nila Dona Teodora ang mga gobernadorcillo ng kanilang bayan,
16:34ang highest position na kayang mahawakan ng isang Filipino noong time na yun.
16:39Ang kaniyang lolo na si Cipriano Alonso
16:41ang naging gobernadorcillo ng Binan noong 1790 at 1802.
16:45Ang kaniyang tatay naman na si Lorenzo Alberto Alonso
16:48ang humawak ng posisyon na ito noong 1844.
16:51Bukod sa pribilehiyong magkaroon ng pwesto sa gobyerno,
16:55ang mga principalia ay mayroong mga hawak na malalawak na lupain na pwedeng ipaupa
16:59at excempted sila sa pagbabayad ng buwis.
17:02Dahil nga may kaya ang pamilya,
17:04napag-aral nila ang kanilang anak na si Teodora sa Colegio de Santa Rosa.
17:09Sa kolehiyo na yun, she displayed a special inclination
17:12toward literature and music.
17:14And her education and refined culture set her apart from most women of her time.
17:20Ang kaniyang characteristics ay ito:
17:22Kahanga-hanga siyang babae, mabini kung kumilos,
17:26may talino sa panitikan, negosyo,
17:28at taglay niya ang kahalintulad na katatagan ng isang babaing Sparta.
17:33Ayon nga sa kaniyang anak na si Jose Rizal,
17:40Si Teodora ang naging unang guro ng mga magkakapatid na Rizal.
17:44Tinuruan niya ang kaniyang mga anak kung paano magbasa, magsulat, at magdasal.
17:48She also taught them values such as discipline, justice, and compassion,
17:53and most importantly, to treat Indios as *equals.
17:56Teodora also act as Rizal's reading teacher and critic,
18:00and together they would read books in their home library.
18:04Her love for literature and the arts would be passed on to her children,
18:08who would become renowned writers and artists in their own right.
18:12Maraming kwento tungkol kay Teodora ang makikitaan mo ng kahangaan,
18:17pero I think ang pinakakahanga-hanga niyang ginawa ay nangyari
18:21After i-declare ng mga Amerikano
18:23na ang national hero ng Pilipinas ay si Jose Rizal,
18:26inofferan nila si Teodora ng life pension.
18:29Anong ginawa ni Teodora?
18:31Tinanggihan niya ito.
19:16Maliban kay Donya Teodora, nakatanggap din itong si Pepe
19:19ng gabay at mga tagubilin sa kaniyang tatlong tiyuhin sa mother's side.
19:23Nandiyan si Tiyo Jose Alberto, si Tiyo Gregorio, at si Tiyo Manuel.
19:28Each of them played a unique role in shaping Rizal's character and skills.
19:32Unahin natin si Tiyo Jose Alberto.
19:34Si Tiyo Jose, isang talented artist, ang nag-nurture sa batang Rizal
19:38para i-appreciate ang kagandahan ng kalikasan o the beauty of nature.
19:43Tinuruan niya rin ito ng iba’t ibang anyo ng sining,
19:45katulad ng pagpipinta, pagguhit at pag-sculpture.
19:49Sumunod naman ay si Tiyo Gregorio.
19:51Siya ay isang marunong na iskolar,
19:53na nag-instill sa batang Rizal to love education.
19:57He emphasized its importance and the value of hard work.
20:01Ito ring si Tiyo Gregorio ang nag-encourage kay Rizal
20:03na maging critical thinker at dapat marunong mag-obserba
20:07sa kaniyang kapaligiran.
20:08Makakatulong daw kasi ito sa pagpapalawak ni Pepe sa kanyang curiosity at kaalaman.
20:14Sa ilalim ng kaniyang guidance, mas lalong nagustuhan ng batang Rizal ang pagbabasa.
20:19Ang huli naman ay si Tiyo Manuel.
20:21Itong si Tiyo Manuel ay medyo worried sa physical development ng pamangkin niya.
20:25Kaya tinuruan niya ito ng iba't ibang athletic skills.
20:29Nandiyang ang swimming, fencing, wrestling, at iba-iba pang martial arts.
20:34At that time kasi, itong si Pepe ay lampa, mahina, maliit, at sakitin,
20:38pero dahil sa kanyang mga gabay, he helped to develop proficiency in these areas.
20:43Dahil lumalaki na ang batang Rizal,
20:45napagdesisyunan ng kanyang magulang na magkaroon na siya ng mga privature tutors
20:50para maihanda siya sa kaniyang formal education.
20:53Isa sa kanyang mga tutoy ay si Leon Monroy, dating kaklase ng kaniyang ama.
20:58Itong si Leon Monroy ay nanirahan sa pamilya ni Rizal at nagturo kay Pepe
21:02ng Spanish at Latin.
21:04Sa kasamaang palad, pagkatapos ng limang buwan ay namatay itong tutor niya.
21:08At gusto ko lang linawin, bago ka maging suspicious,
21:11walang kinalaman si Rizal sa kaniyang kamatayan.
21:14Matagal ng may sakit itong si Leon Monroy.
21:17Pagkatapos ng kamatayan ni Monroy, ipinadala ni Don Kiko ang kaniyang anak
21:21sa Binan para ipagpatuloy ang pag-aaral ng Espanyol at Latin.
21:25Kasama ni Pepe ang kanyang kuya Paciano.
21:27Nanirahan si Pepe at si Paciano sa bahay ng kanilang tiyuhin.
21:31Si Paciano, dahil nga mas lubos na nakakatanda,
21:34ang nagsilbing father figure ng batang Rizal habang nag-aaral sa Binan.
21:39Ang kaniyang naging guro sa Binan ay si Maestro Justiniano Aquino Cruz,
21:44who Rizal described as a tall, thin man with a long neck and a sharp nose.
21:48Terror teacher itong si Maestro Justiniano pero matalino.
21:52He knew Latin and Spanish grammar by heart.
21:56Ang unang araw ni Pepe sa eskwelahan ay hindi naging madali.
21:59Pagkapasok niya pa lang classroom, tinanong na agad siya ng kaniyang guro.
22:03\"Do you speak Spanish?\"
22:06\"Do you know Latin?\"
22:09Dahil sa mga sagot na ito, si Pepe ay pinagtawanan.
22:12Kinutya siya ng anak ng guro na ang pangalan ay Pedro,
22:15na dinescribe ni Rizal na ang pinakamasamang bata sa klase.
22:19At dahil sa pangungutyang ito, nagsimula silang mag-away.
22:23Si Pedro ay mas matangkad kay Rizal,
22:25kaya sa tingin niya siguro ay easy-easy lang na matatalo niya ang batang Rizal.
22:29Pero, dahil nga marunong mag-martial arts itong si Pepe,
22:32salamat kay Tiyo Manuel,
22:35Noong binitawan niya si Pedro, iniwan niya itong mortified.
22:39Sabi ni Pedro, \"Rematch!\"
22:41Kaso tumanggi si Jose.
22:43Dahil sa time na 'yun ay gising na yung guro nila
22:45at natatakot siya na baka makatanggap siya ng parusa.
22:48Dahil sa laban na ito, nakagawa si Pepe ng pangalan para sa sarili niya.
22:53Kaya pagkatapos ng klase, hinamon siya ng isang bata.
22:57Ang batang humamon ay si Andres Salandanan at magbunong braso daw sila.
23:01Kaso at this time, wala na kay Rizal ang kapalaran.
23:05Natalo siya at muntik pa ngang mabagok.
23:17Nine-name call siya, tinutukso,
23:19at binibigyan siya ng palayaw tulad ng Calambeno.
23:22Pero hindi niya naman ito iminamasama ng loob.
23:25Kasi ang mga tumutukso sa kanya ay cino-consider niya na
23:28mga matatalik na kaibigan.
23:30Na sa sobrang bait ay nakakalimutan tuloy niya ang mga wrongdoings
23:33na kanilang ginagawa.
23:35Kung hindi niya mini-mind ang natatanggap niya sa kaniyang mga kaklase,
23:38e kabaliktaran naman kapag ang kaniyang guro na ang pinag-uusapan.
23:52Sabi nga ni Rizal sa kaniyang student memoir:
24:30Malaki ang impluwensiya ng pag-aaral ni Rizal
24:33sa Binan sa kaniyang pananaw sa edukasyon.
24:35Noong lumaki na ang batang Rizal, nag-reflect siya sa estado nito.
24:39Naniniwala siya na ang edukasyon ay hindi lang isang obligasyon,
24:43pero isang investment na magdadala sa atin sa isang brighter future.
24:47At matatamasa lang natin ito
24:49when schools become a safe haven and a playground of the mind.
24:53Where young minds can explore and grow,
24:56rather than what he experienced,
24:58which can be likened to a dreaded torture chamber.
25:04Noong bumalik na ang batang Rizal sa Calamba,
25:06his parents decided na he should stay there and later go to Manila.
25:11At during this time,
25:12ang kaniyang tiyo, na si Don Jose Alberto,
25:14ay bumalik from Europe.
25:16What happened next is a scandalous story involving Rizal's family,
25:21 na sa sobrang scandalous ay para siyang isang modern teleserye.
25:25You know what, for fun, let's imagine it as a teleserye.
25:30Inihahandog ng Dreamscape Productions.
25:33In association with ABS-CBN.
28:48 I'll try to be serious na kasi nakakalungkot ang sumunod na
28:50nangyari sa nanay ni Rizal.
28:52At masakit na rin yung lalamunan ko kakaboses kay Teodora PERO----
28:56Dahil sa pagbibintang sa kaniya na sinubukan niyang lasunin
28:59ang asawa ng kaniyang kapatid,
29:01hinuli siya at kinasuhan.
29:03And as a punishment, pinaglakad si Teodora ng 50 kilometers
29:07mula Calamba papuntang Santa Cruz.
29:10Pinagbawalan siya na gumamit ng kahit anong sasakyan.
29:14Kailangan niya daw mag-suffer sa kahihiyan
29:16kahit ang panlalason ay hindi naman napatunayan.
30:55Dahil sa ginawa sa kaniyang ina,
30:57pwede nating sabihin na namulat ang batang Rizal
31:00kung gaano ka-cruel ang mundo.
31:25Maraming salamat sa panonood.
31:28Dito nagtatapos ang video.
31:29Dagdag ko lang, mabilis lang.
31:31Habang nire-research ko yung tungkol sa batang Rizal,
31:33pumasok sa isip ko yung toxic trait ng mga Filipino families.
31:36Yung cino-compare ng mga magulang yung kanilang mga anak sa ibang bata.
31:40Bakit hindi mo gayahin si ganito? Ang tali-talino.
31:42Bakit hindi mo gayahin si ganiyan? Ang bait-bait, ang sipag-sipag.
31:46O baka nga may nagcompare din kay Rizal,
31:47bakit di mo gayahin si Rizal ang bata bata pa lang ang galing galing na.
31:51Pero again, as I said, at sa pag-aaral natin kay Rizal is hindi naman inherent
31:55 yung mga admirable qualities na ito.
31:57They were nurtured and developed over time.
32:00Yung nanay niya, nag-spend talaga ng time para turuan si Pepe.
32:04At ganun din yung mga kapatid niya pati yung mga tiyuhin niya.
32:07So imagine if parents focused more on nurturing their children
32:11 instead of constantly comparing them to others.
32:14Think about the incredible potential that could be unlocked
32:17if parents provided the support and encouragement necessary for their children
32:23to grow and develop their own unique strengths.
32:26When we nurture a children's innate potential,
32:30the possibilities are truly limitless.
32:33'Yun lang, maraming salamat ulit.